Ang Dakilang Kapistahan ng Corpus Christi ay ang pagdiriwang natin sa Kabanal-banalang Katawan at Dugo ng ating Panginoong Hesukristo. Bago niya lisanin ang daigdig, iniwan niya sa mga alagad ang Eukaristiya bilang kaniya mismong katawan at dugo, at sinuman ang uminom at kumain nito ay tumatanggap sa Panginoon. Kinikilala natin na naririto siya at nananahan sa ating piling sa pamamagitan ng Kaniyang presensya sa Eukaristiya. Halina at tayo’y manalangin, bigyang pugay ang Kabanal-banalang katawan at dugo ng ating Panginoong Hesukristo.